(Tulunan, Cotabato/ October 16, 2014) ---Kulungan
ang bagsak ng sinasabing asset ng Paglas PNP sa lalawigan ng Maguindanao
makaraang mahuli sa isinagawang highway check ng mga otoridad sa National
Highway ng Bual, Tulunan, Cotabato alas 11:00 kahapon ng umaga.
Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng
Tulunan PNP ang nahuli na si Kaliga Usman Kamsa, 21-anyos, may asawa at
residente ng Paglas, Maguindanao.
Sa isinagawang pagsisiyasat, tinatahak ng
suspek ang kahabaan ng National Highway ng parahin ngmga otoridad dahil sa paglabag
nito sa batas trapiko ay nakitaan na may salukbit na armas.
Bigong maipakita ng suspek ang mga kaukulang
dokumento kaya hinuli ang ito.
Paliwanag pa ng suspek na asset umano siya
ng PNP Maguindanao kaya may dala-dala itong armas, ayon sa report ni Tulunan
News Correspondent Joel Dublado.
Pero dahil nasa jurisdiction ito ng North Cotabato,
kaya hinuli pa rin ang suspek na ngayon ay isinailalim sa masusing
interogasyon.
Napag alamang ang dala nitong baril ay
kalibre 45 na pistola na armscor ang model na may serial no.506265 na meroong
isang magazine na meroong lamang 4 na bala.
Kaugnay nito, inihahanda naman ang kasong
paglabag sa Republic Act 10591 o ang Illegal Possession of Firearms na isasampa
sa suspek. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento