(Kabacan, Cotabato/ October 11, 2014) ---Dalawa
ang naiulat na nasugatan sa nangyaring strafing incident sa Bliss, Katidtuan,
Kabacan, Cotabato kagabi.
Mismong si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.
ang agad na nagpaabot ng tulong sa mga bayarin sa ospital ng mga biktima.
Inaalam na rin ng mga otoridad kung sinu ang
nasa likod ng nasabing pamamaril.
Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon.
Samantala, isa ring bangkay ang natagpuan sa
Brgy. Kilada, Matalam ngayong umaga lamang.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon ng Matalam PNP.
Ayon kay SPO1 Foilan Gravidez, hindi pa alam
ang pagkakakilanlan ng bangkay. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento