(USM, Kabacan, Cotabato/ October 11, 2014)
---Negatibo sa pampasabog ang suspicious bag na naiwan sa harap ng USM
Presidential Cottage sa University of Southern Mindanao Main Campus, kagabi.
Ayon sa ulat, pinasabog ang nasabing bag ng
mga EOD Team na pag-mamay-ari ng isang dating janitor ng CBDEM na naiwan nito sa nasabing lugar dahilan kung
bakit nabulabog ang ilang mga residente ng pagsabog nito.
Nangyari ang insidente habang kasagsagan ng
selebrasyon sa kaarawan ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia, kagabi.
Pero hindi naman ito naka-apekto sa kabuuang
peace and order ng bayan, ayon sa pulisya.
Pinasalamatan din ng mga otoridad ang alerto
at pagiging mapagmatyag ng taong bayan hinggil sa mga kahina-hinalang mga bagay
o tao sa paligid. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento