(Kabacan, Cotabato/ October 17, 2014) ---Inilunsad
na ng Pambansang Pulisiya ang bagong Incident Record Form o IRF.
Ayon kay P01 Harris Abu, Assistant Police
Community Relation Officer ng PNP Kabacan sa panayam ng DXVL News kahapon.
Layon ng IRF na mabigyan nang mas maayos na
dokumento ang kanilang mga kliyente at masigurong mabigyan ng tamang
impormasyon ang publiko.
Dagdag pa ni Abu na bago mag-pa-blotter ang
mga ito ay dapat munang mag fill-up ng IRF ang mga ito.
Ang Incident Record Form ay bahagi ng
pag-iimplementa ng Crime Incident Recording System sa lahat ng mga himpilan ng
Pulisya sa buong bansa.
Sinabi pa ng opisyal na ang IRF ay magiging
opisyal na dokumento sakaling malagdaan na ito ng imbestigador batay naman sa
sinalaysay sa blotter log book.
Matapos nito ay ipapasa naman ang record sa
Camp Crame o sa National Office ng PNP, ayon pa kay Abu. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento