Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

CPPO, naka full alert matapos ang serye ng pagpapasabog sa lalawigan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 14, 2014) ---Inilagay na sa full alert status ngayon ng Cotabato Police Provincial Office ang kanilang alerto matapos ang ilang sunod-sunod na pagpapasabog sa probinsiya.

Ito ang sinabi sa DXVL News Radyo ng Bayan ni PSI Jojet Nicolas, an tagapagsalita ng CPPO.
Kaugnay nito, patuloy ngayon ang ginagawa nilang malalimang pagsisiyasat sa magkahiwalay na pagpapasabog sa lalalwigan.

Ayon kay Nicolas na apat ngayong anggulong ang kanilang tinututukan sa nangyaring pagpapasabog sa UCCP Church sa bayan ng Pikit.

Sa ngayon may lead ng sinusundan ang mga kapulisan sa mga responsable sa pagpapasabog sa nasabing simbahan kungsaan hawak nila ngayon ang nakasaksi sa pagpapasabog ng mga suspek.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na extortion ang sinusundan nilang motibo sa pagpapasabog sa bayan ng Libungan.

Ito ang lumalabas sa insiyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan, makaraang nakatanggap ng extortion letter ang nasabing establisiemento ilang linggo matapos ang pagpapasabog sa harap ng ondoy na tindahan.

Sa ngayon, patuloy na naka-heightened alert ang mga kapulisan dahil sa nasabing insidente. With report from Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento