Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Provincial Abaca Development Program Isinusulong ng OPA

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ October 18, 2014) ---Bilang bahagi ng Abaca Development Program ng lalawigan ng Cotabato, isinagawa kamakailan (10/8/14) ang training tungkol sa Abaca Production, Harvesting, Processing, and Fiber Classification ng OPA Environment and Natural Resource Division personnel para sa 31 magsasaka sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City.

Sa training na ito itinuro sa mga kalahok ang makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagtatanim ng abaca upang pakinabangan ito ng husto kasama na rito ang tamang pagharvest at processing ng abaca fiber. Sa huling bahagi ay itinuro naman sa mga kalahok ang wastong pag-classify ng fiber mula sa naharvest na abaca.

Inaasahang lalapad pa ang lupaing natatamnan ng abaca dito sa lalawigan at maitaas ang produksiyon ng de kalidad na fiber na magdudulot ng mataas na kita sa mga magsasaka at upang mapunan ang kakulangan sa supply ng abaca fiber sa merkado. 

Ang training sa abaca production ay pinangunahan nina Marichan Brillantes, Severo Marciano Jr., Danilo Lemoneras at Charlie Pabellan ng OPA-ENRD sa tulong na rin ng mga personnel ng Philippine Fiber Industry Development Authority sa Rehiyon dose.

Sa kasalukuyan ay masasabi nating kapakipakinabang ang pagtatanim ng abaca dahil sa mataas na presyo nito sa pamilihan na abot sa P45 to P50 per kilo ng abaca fiber. Ayon sa latest na survey, ay may humigit-kumulang sa 400 ektarya pa lamang ang natatamnan ng abaca sa lalawigan na sinasaka ng 647 farmers.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa abaca production ay makipag-ugnayan lamang po kayo sa Office of the Provincial Agriculturist sa Amas, Kidapawan City. Nakaiskedyul na rin po ang training sa Oct. 22 sa Barangay Tumanding, Arakan at sa Oct. 29 sa Barangay Perez, Kidapawan City para sa Technology Training on Abaca Production, Harvesting and Fiber Classification.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento