By: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, Cotabato/ October 17, 2014) ---Muling
ipinakita ng mga Pigcawayanon na may mga talento silang dapat makita ng buong
bayan.
Kaya nitong October 13 ay nagpakitang gilas
ang iba’t- ibang grupo ng mananayaw at mang- aawit sa grand finals ng
Pigcawayan Got Talent Season 4 na idinaos sa Pigcawayan Municipal Open Grounds.
Nasungkit ng grupong DreamGuyz Dance Crew
ang titulong grand champion at tumanggap ng pitong libong pisong cash prize.
Samantala, nakuha naman ng Dejem Cultural
Dance Group ang second place at tumanggap ng premyong limang libong pisong habang third placer naman si Wilson Esonsa na
nag- uwi ng tatlong libong piso.
Tig- isang libong piso naman ang natanggap
ng mga consolation winners.
Ang Pigcawayan Got Talent ay inorganisa ng
Vice Mayor’s Office, Sangguniang Bayan, Human Resource and Management Office at
Community E- Center ng lokal na pamahalaan ng Pigcawayan.
Ang talent competition na nabanggit ay bahagi
ng ika- 61 anibersaryo ng bayan ng Pigcawayan kung saan nakasentro ang
selebrasyon sa temang “Banwa Ko, Dungog Ko, Padayon Pigcawayan!”
0 comments:
Mag-post ng isang Komento