Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Year End Bonus ng mga guro, posibleng maipapamahagi na bago ang Nobyembre a-15 ---Supt. Obas

(Amas, Kidapawan City/ October 16, 2015) ---Tiniyak ng pamunuan ng Department of Education Cotabato Division na kanilang ilalabas ang Year End Bonus ng mga guro at kawani ng Kagawaran bago ang Nobyermbre a-15.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Supt. Omar Obas mg Cotabato Division kasabay ng selebrasyon ng global Hand Washing day kahapon.

Aniya nakasaad sa batas na dapat ay matatanggap ito ng mga guro batay naman sa halaga na matatanggap nila sa aaprubahan ng Department of Budget and Management.

Maliban sa Year End Bonus, inaabangan din ng mga guro ang kanilang Performance Based Bomus o PBB na nakabasi sa performance ng kanilang mga paaralan na nag simula noong nakaraang taon kungsaan may iba’t-ibang criteria na inilatag ang DepEd dito, ayon kay Obas.

Samantala, isang magandang hakbang din umano ang ginawa ni Sen. Trillianes sa panukala nito tungkol sa pagtaas ng sahod ng mga guro at nagpapasalamat din ang opisyal sa pagkilala ng mambabatas sa pagsusumikap ng mga guro sa paghahatid ng kalidad na edukasyon hindi lamang sa ating lalawigan kundi pati narin sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, patuloy naman umano ang ginagawang mga hakbang ng kanilang kagawaran para sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo.


Masaya ding ibinalita ng Opisyal ang isang linggong pahinga ng mga mag aaral ng pampublikong mga paaralan sa susunod na linggo. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento