Mark Anthony
Pispis
(USM, Kabacan, Cotabato/ October 2,
2014) ---Punong-puno ng mga studyante at iba pang mga indibidwal, at may mga
magpapamilya pa sa USM Quadrangle kagabi na siyang nagpasigla lalo sa
pagtatapos ng prestihiyosong student week sa USM kaalinsabay ng 62nd
Founding Anniversary ng pamantasan.
Nagpakitang gilas dinsa harap ng
libu-libong manood ang youtube sensation na si Jhong Madaliday ng bandang Bai
Matabai Plang o BMP.
Sa culmination program ay
pinarangalan ang mga campus organizations sa kanilang mga napagwagiang
kompetsiyon sa isang buong linggong Pasiklaban.
Samantala, lubos na inabangan ng mga
expectators ang bonggang fireworks display na tumagal ng pitong minute na siya
namang nagpahanga sa mga manood. Mailalarawan ang naturang fireworks display
bilang mas malakas, mas makulay, at matatayog kung ihahambing nitong opening ng
Pasiklaban 2014. Ito ang nagging hudyat ng pagtatapos ng aktibidad.
Sa Pasiklaban trade fair naman, halos
hindi na madaanan ng mga namamasyal dahil sa dami ng mga mamimili. Patunay
lamang ito sa tagumpay ng mga programa kaugnay sa 62 Founding Anniversarry ng
USM.
Tinanghal namang Over all Champion sa
naturang aktibidad ang Philippine Institute of Civil Engineers, 1rst runner up
ang USM English Club, at 2nd runner up ang Alpha Phi Omega.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento