(Pigcawayan, North Cotabato/ October
15, 2014) ---Naaresto ang isang wanted person sa isinagawang joint operation ng
Regional Public Safety Batallion 12 at Pigcawayan PNP sa Poblacion 3,
Pigcawayan, North Cotabato alas 2:00 ng hapon kahapon.
Kinilala ang suspek na si Reini Jay Demonteverde Toledo, 28, anyos, may asawa at residente ng Brgy. Central Panatan ng nasabing bayan.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng search warrant na inihain ni Judge George Jabido ng RTC branch 18,Midsayap, North Cotabato sa kasong paglabag ng RA 7610 o Protection against child abuse, exploitation and discrimination na may criminical case no. 14-307 at 14-308.
Natiklo ang suspek sa isinagawang kampanya ng mga otoridad na Oplan Pagtugis. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento