(Pikit, Cotabato/ October 10, 2014) ---Gagawin
ngayong araw ang isang emergency peace and order council meeting sa bayan ng
Pikit kasama ng pulisiya at sundalo na pangungunahan ni Mayor Muhyryn
Sultan-Casi upang pag-usapan at alamin ang update sa nanagyraing pagpapasabog
ng UCCP Church sa nasabing bayan.
Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam ng DXVL
News ngayong umaga.
Aniya nagpaabot na rin siya ng tulong sa mga
biktima ng pagpapasabog ng simbahan ng UCCP alas 7:40 ng gabi nitong
Miyerkules.
Katunayan aniya, inako na ng opisyal ang
bill sa ospital ng dalawang ginang na nasawi sa nasabing insidente, dagdag pa
ng alkalde.
Sa ngayon ay gumagawa na ng halbang ang
pamunuan ng LGU Pikit upang makamtan ang stable na peace and order sa lugar.
Aminado ang opisyal na mahirap makamtan ang
peace and order at hinamon nito ang mamamayan ng Pikit na makipagtulungan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento