Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

EU delegation ng Pilipinas, bumisita sa Kabacan para sa Best Practices ng brgy. Pedtad

By: Sarah Jane Guerrero                                                        

(Kabacan, cotabato/ October 13, 2014) ---Mainit ang naging pagsalubong at pagtanggap ng mga miyembro ng  Ciento Trenta Pedtad Farmers & Fisherfolks Association, BLGU ng Pedtad at LGU Kabacan sa mga bisita na kinabibilangan ng European Union delegation, World Food Programme team, Provincial Government, Department of Agriculture, BFAR  at national/local  media practioners kamakalawa ng umaga, Sabado, ika –labing isa ng Oktubre, taong 2014.

Ang nasabing pagbisita ay kaugnay sa ibinahaging programang pangkabuhayan o “Enhancing the Resilience of Internally Displaced Persons in Central Mindanao by Strengthening Livelihoods noong March 14, 2012.”
Layunin nito ay matulungan ang mga mamamayan ng Pedtad na guminhawa ang kanilang pamumuhay at mapaikli ang bilang ng malnutrisyon sa pamamagitan ng pag-aalaga at pagbebenta ng tilapiya. Ito rin ay sagot sa matinding pangangailangan ng mga tao sa pedtad ng dagdag na kita at mga inisyatibong magpapalawig pa sa pangangalaga ng kalikasan.

Ang nasabing proyekto ay binubuo ng expansion of an Inland Fishpond, clearing of waterways and debris, excavation, construction of flood control dikes, tree planting at fish handling and processing training.

Sa loob ng dalawang taong implementasyon ng proyekto, isang daan apa’t na pong mga magsasaka ang kasalukuyang kasali na ngayon sa Tilapia production maliban sa kanilang iba pang pangkabuhayan, sa isang ektarya noong 2012, ngayon ay naging apat na ektarya na na fishpond project na pinangangasiwaan na noon ay 25 members at sa ngayon ay 140 members na, at ang mga kababaihan ay kasali na rin sa training on fish handling and processing.

Dagdag pa dito, lubos ang kagalakan na nadama ng mga bisita lalong-lalo na ang European Union na siyang nagbigay ng pondo ng proyekto sa kanilang nakita na pagbabago at pag-unlad sa Barangay Pedtad lalo pa at aktwal nilang nakita nila ang malawak na inland fishpond at malalaking huling tilapia ng mga fisherfolks.

Ang tagumpay ng nasabing proyekto ay dahil na rin sa pakikipagtulungan ng World Food Programme, European Union, Ciento Trenta Pedtad Farmers and Fisherfolks Association, Provincial Management Office, Provincial Government of North Cotabato, Municipal Government Unit of Kabacan (Municipal Agriculture Office), Barangay Local Government Unit of Pedtad, DA through the office of Provincial Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).


0 comments:

Mag-post ng isang Komento