(Midsayap, cotabato/ October 9, 2014) ---Abot
sa mahigit limampung libong pisong halaga ang natangay ng tatlong mga
kalalakihan sa isang babae sa Poblacion 1, Midsayap, North Cotabato.
Ayon ka Midsayap PNP chief of Police Supt.
Reynante Delos Santos, bitbit ng biktimang si Erlinda Torino, 44 anyos taga
brgy. Malamote sa bayan ng Midsayap ang 54 thousand pesos para i-deposit sana
sa banko.
Ang naturang halaga ay mula sa mga miembro
ng kooperatiba na residente rin sa lugar.
Nabatid na pagdating ni Torino sa bahagi ng
Poblacion uno ay nilapitan sya ng mga suspek at hinampas ng matigas na bagay sa
kanyang ulo.
Nanlaban pa umano ang biktima sa mga suspek
subalit natangay pa rin ang kanyang dalang bag kung saan nakalagay ang libong
pera at mabilis na tumakas.
Ngayon ay patuloy pang nagpapagamot ang
biktima sa pagamutan sa bayan ng Midsayap habang patuloy ring pinaghahanap ng
otoridad ang mga responsable sa naturang krimen.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento