Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga pamilyang nagsilikas bunga ng girian ng dalawang grupo sa Pikit North Cotabato, hindi pa rin nakakabalik sa kani-kanilang mga tahanan

(Pikit, Cotabato/ October 7, 2014) ---Hindi pa tuluyang makabalik sa kanikanilang mga tahanan ang mga pamilya na nagsilikas bunga ng nagpapatuloy pa rin na tensiyon ng dalawang armadong grupo sa Brgy. Bulol Pikit, North Cotabato hanggang kahapon.

Ito ayon kay Pikit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Head Tahira Kaladtungan sa panayam ng DXVL sa Periodiko Express kahapon.


Anya, ang mga pamilyang naapektuhan ay umabot sa 470 at hindi pa kasali ang 27 mga pamilya na sinunog ang kanilang kabahayan.

Dagdag pa ni Kaladtungan, hindi parin daw nagkakaroon ng klase ang mga estudyante sa naturang lugar.

Maalalang naireport ditto sa DXVL ang girian ng dalawang armadong grupo na parehong miyembro ng MILF at ang pagsilikas ng mga pamilyang naapektuhan ng nasabing girian.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento