Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BISE-PRESIDENTE BINAY, NAKIPAGBOODLE FIGHT SA PAMILIHAN NG BAYAN NG KABACAN!

By: Sarah Jane Guerrero

(Kabacan, Cotabato/ October 9, 2014) ---“Palengke, ang pinakamalapit na lugar sa puso ko”. Ito ang pahayag ni Vice-president Jejomar C. Binay, Sr. sa mga kabakenyos, noong October 9, 2014 sa kanyang pagbisita sa bayan ng Kabacan, mismong sa pampublikong pamilihian ng bayan na kung saan ginanap ang programa. 


Ayon pa sa kanyang mensahe, sa palengke umano siya unang natuto sa buhay simula nang mamatay ang kanyang grade school teacher na ina at sa palengke umano din niya nakita ang totoong masang Pilipino.

Mahigit dalawang libong mga tao ang dumagsa at nakisalo sa Bise-presidente sa isinagawang boodle fight na ginanap lampas ala una ng hapon noong October 9, 2014. 


Ang kanyang pagbisita sa Kabacan ay sinyales umano para sa isa pang mas malawak na pakikipag ugnayan ng pamahalaang lokal ng Kabacan lalong lalo na sa lungsod ng Makati. Kaya naman, kanyang hinikayat si Mayor Herlo P. Guzman, Jr na maging sister municipality ng Makati ang Kabacan. 

Isa umanong karangalan kung ang Makati at ang Kabacan ay magkakaroon ng isang sisterhood relations. 

Kanya ring inialok kay Mayor Guzman ang computerization system program ng Makati na pupwede rin daw umanong gamitin ng Kabacan sa lahat ng government transactions nito upang matulungang magkaroon ng mas mataas na income ang bayan gaya ng sa Makati.

Masaya umano siya sa ipinakitang suporta ng mga Kabakenyos sa kanyang pagbisita lalong lalo na ang sector ng Senior Citizens, ayon pa sa kanya, isa siya sa kumikilala hindi lamang sa karapatan ng mga senior citizens, pati na rin sa kanilang mga pangangailangan sapagakat isa na rin umano siyang senior citizen. 

Sa kanyang paniniwala, ang sector ng mga matatanda ay isa sa naging dahilan kung bakit maunlad ang bayan ng Kabacan.

Sa kanyang huling mensahe, kanyang ipinahayag ang kanyang kagustuhan na magkaroon ng sisterhood relations ang Kabacan at ang City of Makati upang mas lalo pa umanong mapagsilbihan ang mahihirap na mamamayang ng Kabacan sa pamamagitan ng sharing of resources.

Naging mapayapa ang pagbisita ni Vice-President Binay sa bayan ng Kabacan kaya naman taos puso ang kanyang pasasalamat sa taong bayan ng Kabacan. Dumating ang grupo ni vice-president 12:30 ng hapon at natapos ito 2:30 ng hapon.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento