Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lifestyle check sa mga kapulisan, isasagawa

By: Christine Limos

(Kabacan, Cotabato/ October 18, 2014) ---Nakatakdang isagawa ang lifestyle check sa lahat ng opisyal ng kapulisan upang maimbestigahan ang mga tiwaling pulis na nasasangkot umano sa mga ilegal na gawain tulad ng kidnapping, holdap, ilegal na droga at iba pang ilegal na raket.

Sa isang kalatas na ipinahayag ni PSI Jojet Nicolas, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na makikipag-ugnayan ang PNP sa DILG at NAPOLCOM sa pamamagitan ni DILG Secretary Mar Roxas sa BIR at Ombudsman upang matukoy ang mga pulis na may di maipaliwanag na yaman dahil sa mga ilegal na aktibidad.

Inilunsad din ng PNP ang programang PNP Peace and Order Agenda for Transformation and Upholding of the Rule of Law o P.A.T.R.O.L. Plan 2030. 

Nananawagan din ang PNP na wag mawalan ng tiwala ang taong bayan sa kapulisan at suportahan ang kanilang proyekto, magbigay ng tamang impormasyon sa krimen sa Police hotline Number o Isumbong kay tsip cell no. 09178475757.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento