Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rootcrops Production Program, Isinusulong ng OPA

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ October 14, 2014) ---Bilang bahagi ng RootCrops Production Program ng lalawigan ng Cotabato, nagsagawa kamakailan (10/1-2/14) ng Lecture on Rootcrops Production and Management, Its Health Benefits and Food Processing ang Office of the Provincial Agriculturist Crops Division sa Malangag, Antipas sa pangunguna ni Mr. Gabriel Nasiluan.

Ito ay nilahukan ng 35 Rural Improvement Club members na tinuruan ng tamang pagtatanim ng cassava at pagpo-proseso nito bilang alternative food crop sa cereals.

Sa nasabing lecture ay napag-alaman ng mga kalahok ang nutirional value ng kamoteng kahoy at health benefits nito. Ang cassava ay mahalagang food crop na nagtataglay ng carbohydrates na may low glycemic index upang pagkunan ng enerhiya.

Inaasahang magagamit ng mga kalahok sa lecture ang kanilang natutunan upang higit pang mapaghusay ang produksiyon ng rootcrops sa lalawigan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya at pamamaraan. 

Magsisilbi namang karagdagang income source ang pagpo-proseso ng cassava para sa mga maybahay sa kanayunan.

Samanatala, nakapamahagi naman mahigit sa 7,000 pirasong coffee seedlings ang Environment and Natural Resource Division ng OPA kamakailan (9/29/14 to 10/3/14) para sa mga Integrated Social Forestry project beneficiaries nito sa Sitio Casia, Kibudtungan, Carmen; Demapaco, Kapayawi at Malengen sa Libungan; Doles, Magpet; Malapang, Aleosan; at sa Basak at Mahongcog, Magpet. Ito ay naglalayong mapalawak pa ang lupaing natatamnan ng kape sa lalawigan na pawang upland areas.


Ang lahat ng programang nabanggit ay ipinatutupad sa ilalim ng Serbisyong Totoo program ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa pamamagitan ni Provincial Agriculturist Engr. Eliseo M. Mangliwan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento