Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagtutulungan ng bawat isa, iginiit ng bagong 602nd Brigade Commander

By: Mark Anthony Pispis

(Carmen, North Cotabato/ October 15, 2014) ---Iginiit ni 602nd Brigade Commander Col. Noel Clement na ang partisipasyon ng taong bayan ay napakalaking tulong sa pagpapatupad ng peace and order sa probinsiya lalo na sa mga nangyaring mga pamomomba.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa eksklusibong panayam ng DXVL news kahapon.

Anya makikipagtulungan umano ang kanilang pamunuan sa mga kapulisan, LGU para sa pagpapatupad ng kapayapaan sa probinsiya ng Cotabato.

Ang malaking hamon umanong kaniyang unang naencounter sa kanyang pagkakatalaga bilang bagong 602nd brigade commander ay ang napakaraming loose fire arms na hawak ng mga criminal at mga grupo kaya kung merron mang mga insidenteng nangyayari ay hindi agad natutukoy kung sino talaga ang may kagagawan.

Sa mga nagyayaring mga digmaan naman na sangkot ang ibat ibang armadong grupo ay iginiit ng opisyal na lahat naman ay nadadaan sa usapan.

Mas maigi umanong upuan at pag usapan ang mga probema para tapusin ito kesa patuloy pang madadagdagan ang mga naapektuhan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento