Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga sasakyang pagmamay ari ng isang Negosyante, napinsala sa pagsabog ng IED sa Libungan, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Libungan, cotabato/ October 13, 2014) ---Nabulabog ang mga mamamayan sa nangyaring pagsabog ng isang Improvised Explosive Device sa Singayao St. Poblacion, Libungan Cotabato alas 9:00 ng gabi Okrobre a-10 nong biyernes.

Ayon sa report ng Libungan PNP, isang Ten-Wheller Winged Van na may plakang RLC-185 at isang L200 FB Van na may plakang LHD-303, na pawang pagmamay ari ni Jackei Ondoy, may asawa, negosyante at residente ng nasabing barangay ang napinsala sa naturang pagsabog.


Sa inisyal na imbestigasyon, 3 buwan nang nakakatanggap ng mga tawag at mga text messages si Ondoy mula sa isang di nagpakilalang lalaki na humihingi ng P5 milyong halaga ng pera kapalit ng proteksyon sa kanyang mga pagmamay aring mga negosyo subalit binaliwala niya lamang ito at hindi na pinalam sa kinauukulan sa pag aakalang nagbibiro lamang ang nasabing lalaki.

Dagdag pa ng negosyante, pagkatapos ng pagsabog ay agad nakatanggap siya agad ng text message mula sa nasabing lalaki na nagsasabing hindi umano ito nagbibiro at patuloy parin siyang gogolohin nito hanggat hindi nito ibibigay ang kanyang hinihinging pera.

Sa isinagawang follow up investigation ay napag alamanang ang ginamit na pampasabog ay isang Improvised Explosive Device galing sa isang 81 MM Mortar na pinaniniwalaang cellphone ang ginamit bilang Triggering device dahil na rin sa simcard na natagpuan sa crime scene.

Agad namang binigyan ng Security ng Libungan PNP si Ondoy.


Nagpapatuloy pa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng Libungan PNP sa nasabing insidente.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento