Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

ASLPC buo pa rin ang loob sa kabila ng mabagal na paggulong ng hustisya sa pinaslang na italyanong pari

(Kabacan, Cotabato/ October 15, 2014) ---Mabagal man ang pag-usad ng hustisya sa pinaslang na italyanong pari sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan, matatag at buo pa rin ang loob ng grupong Apo Sandawa Lumadnung Panaghiusa sa Cotabato (ASLPC) na makakamit nito ang hustisya sa tamang panahon.

Ito ayon kay Norma Capuyan, tagapangulo ng ASLPC hindi nila ramdam ang pagod sa paghahanap ng katarungan kay Father Fausto Tentorio dahil ipinakita umano ng pinaslang na misyonaryo ang walang kapagurang paglilingkod nito sa mga lumad at magsasaka habang nabubuhay pa ito.

Binigyang diin naman ng babaeng opisyal na bagaman tatlong taon na ang nakalilipas matapos paslangin si Fr. Pops at hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya hindi titigil ang mga lumad hanggang makamit ang hustisya.

Aniya, patuloy nitong bibitbitin sa lansangan ang mga panawagan hanggang sa mabingi ang mga nasa kapangyarihan.

Ngayong Oktubre 17 ang ikatlong taon ng pagkakapaslang sa paring italyano.

Kaugnay nito, isang malawakang kilos-protesta naman ang ilulunsad ng grupo bukas bilang porma ng paggunita sa karumal-dumal na pagpaslang sa misyonaryo.

Tinatayang abot sa libong mamamayang lumad at magsasaka ang lalahok sa nasabing pagkilos.

Samantala, inaanyayahan naman ng grupong Justice for Fr. Pops Movement (JPM) ang lahat ng mga Cotabateños na lumahok at makiisa sa isasagawang misa sa libingan ng pari sa barangay Balindog, Kidapawan City bukas sa ganap na alas-diyes ng umaga. DXVL NEWS


0 comments:

Mag-post ng isang Komento