Jimmy
Sta. Cruz
AMAS,
Kidapawan City (Oct
1) – Handang handa na ang Provincial Cooperatives Development Office o PCDO ng
Cotabato sa pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong Oktubre.
Ayon kay Dr. Samuel Aquino, Head ng Cotabato
PCDO, isa sa mga aktbidad na ito ay ang pagkakaroon nila ng 30-minute radio
program na naglalayong ipabatid ang layunin ng PCDO at ang mga hakbang na
ginagawa nito para umunlad ang mga kooperatiba sa Cotabato.
Sinabi ni Dr. Aquino na mahalagang malaman
ng mga cooperative members ang mga paraan upang maging matagumpay ang kanilang
kooperatiba lalo na sa mga nagsisimula pa lamang.
Hinimok rin niya ang mga kooperatiba sa
Cotabato na makipag-ugnayan sa PCDO upang maging bahagi sila sa mga programa at
proyektong ipinagkakaloob ng Provincial Government of Cotabato.
Kabilang sa kanilang programa ay ang
training-seminar para sa mga registered cooperative members tampok ang mga
piling resource persons at speakers, livelihood projects at malawakang
information dissemination.
Matatandaang nitong nakaraang mga buwan ay
nagsagawa rin ng serye ng training-seminar ang PCDO upang palakasin at
patatagin pang lalo ang mga kooperatiba.
Ayon naman kay Gov. Emmylou “Lala”
Taliño-Mendoza, ang mga kooperatiba ay may mahalagang papel sa pag-unlad ng
komunidad kaya’t kailangan suportahan ang mga ito sa pamamamagitan ng mga
proyekto.
Nitong nakaraang Sep 1, 2014, centennial ng
Cotabato Province ay naging aktibo ang mga registered coops sa lalawigan sa
pangunguna ng PCDO sa mga exhibits at products display sa Agri-Center ng
Provincial Capitol. (JIMMY STA. CRUZ/PGO
Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento