(Pikit, Cotabato/ October 8, 2014) ---Dalawa
ang naiulat na nasawi habang tatlo naman ang nasa kritikal na kondisyon matapos
na pasabugan ng di pa nakilalang mga suspek ang isang sangay ng simbahan ng
United Church of Christ in the Philippines o UCCP sa Vidal Cabañog St.,
Poblacion, Pikit, Cotabato alas 7:40 kagabi.
Kinilala ang mga nasawi na sina Felomina Ferolin, 54-anyos, nurse; Gina Cabilona, 39-anyos, guro na
tinamaan sa mukha kungsaan tanggal umano ang mga mata nito; habang nasa
malubhang kalagayan naman sa ngayon si Virgenia
Manolid, 63-anyos; Jeremias Dandan, 60-anyos at Jerome Dandan, 28 anyos
lahat residente ng nasabing bayan.
Sa ulat ipinarating sa DXVL News ni PSI
Jojet Nicolas, ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, na
nagsasagawa ng mid-week prayer meeting ang mga kasapi ng nasabing simbahan na
pinangungunahan ni Pastor Jerry Sanchez habang isa sa kanila ang nagpahayag ng
kanyang pasasalamat sa nasabing prayer meeting ay pinasabugan ang mga ito ng
M79 launcher grenade.
Dahilan para tamaan ang limang mga kasapi ng
simbahan.
Naisugod pa ang mga biktima sa iba’t-ibang
pagamutan pero binawian na rin ng buhay si Ferolin sa Midsayap Community
hospital habang ginagamot, gayundin si Cabilona na namatay din habang ginagamot
sa ospital.
Ayon sa ilang mga naka-saksi, sakay umano sa
badja motorsiklo ang mga salarin ng pasabugan nila ng M79 launcher grenade ang
simbahan.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente upang alamin ang motibo sa
nangyaring pagpapasabog sa nasabing simbahan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento