Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

9-anyos na batang tubong Kabacan, National Motocross Winner

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 20, 2014) ---Tinanghal na kampeon sa 9 years and below at 3rd Placer naman sa 10 years and below up to 12years old na kategorya  sa National Motorcross Competition na kinikilala ng Dep Ed at Philippine Sports Commission ang isang batang Kabakenyo.

Ito ayon sa ama ng bata na si Engr. Jun Pascua sa eksklusibong panayam ng DXVL News.

Kinilala naman ang batang nagpapakita ng galing sa larangan ng Motocross Racing na si Charlei Vins Pascua, 9 na taong gulang, estudyante ng Kabacan Pilot Elementary Scgool at residente na Pob. Kabacan Cotabato.


Dagdag pa ng ama ng bata na nagbabike lamang daw ito at nanunuod lamang daw sila ng mga nagmomotorcross dati at sinabi sa kanya ng ni Charlei na gusto niyang maglaro nito at agad namang tinigunan ng ama ang hilig ng anak.

Agad silang bumili ng motor at kumuha ng professional trainor para sa bata.

Nagchampeon din ang bata sa katatapos lamang na Kalivungan Festival.


Bagamat nagpapakita ang anak ng kahiligan sa nasabing sports ay iginiit pa rin na ama na ang pag-aaral parin umano ang una sa lahat.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento