Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Biological Control Agents Patuloy na Pinaparami ng OPA Bio-Con Laboratory

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan city/ October 22, 2014) ---Upang mapigilan ang pag-atake ng mapaminsalang stemborer sa palay at mussel scale insect sa lanzones ay patuloy na nagpaparami ng mga biological control agents tulad ng trichogramma at coccinelid beetle ang Biological Control Laboratory ng Office of the Provincial Agriculturist sa lalawigan ng Cotabato.

Ang mga ito ay napatunayang epektibo sa pagkontrol ng stemborer sa palay at mussel scale sa lanzones at di na kailangan pang gumamit ng chemical spray upang sugpuin ang mga pesteng nabanggit. 
Kaugnay nito, nakapamahagi  kamakailan (Oct. 13-17, 2014) ng 1,500 trichogramma cards para sa mga magsasaka ng palay mula sa bayan ng Pres. Roxas at 350 coccinellid beetles para sa mga lanzones growers sa Makilala.

Higit na mainam ang paggamit ng biological control agents para sa peste kumpara sa mechanical at kemikal control na napatunayan na ng mga mananaliksik sa peste ng palay at lanzones.

Para sa mga interasadong magsasaka na makaavail ng libreng biological control agents para sa palay at lanzones ay makipag-ugnayan lamang po kayo sa Office of the Provincial Ariculturist na pinamumunuan ni Engr. Eliseo M. Mangliwan. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento