Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Church-Society for the Protection of Civilian Rights, bubuuin sa North Cotabato upang tumutok sa pagprotekta sa karapatang pantao

(Kidapawan City/ October 21, 2014) --- Maglalatag ang isang grupo ang civil society organizations o CSO sa North Cotabato na pangunahing tututukan ang pagprotekta sa karapatang pantao.
Tatawagin nila itong Church-Society for the Protection of Civilian Rights o CSPR. Mangunguna sa grupong ito ang Justice for Pops Movement o JPM.

Kabilang sa mga convener ng CSPR ay sina Father Peter Geremiah, PIME ng JPM at Father Hipolito Paracha, ang coordinator ng Justice, Peace, and Integrity of Creation o JPIC ng Diocese ng Kidapawan.
Kaugnay nito, gagawin sa October 24 ang kauna-unahang miting nito na gagawin sa Spottswood Methodist Center sa Kidapawan City.
Ayon kay Father Geremia, ang tumataas na kaso ng mga unsolved cases ng extra-judicial killings, partikular ang pagpatay noong October 2011, kay Father Fausto Pops Tentorio, ang nagtulak sa hanay ng simbahan kasama ng iba pang sektor, na bubuuin ang Church-Society for the Protection of Civilians. DXVL NEWS


0 comments:

Mag-post ng isang Komento