Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagpaslang sa 2 sundalo sa Ospital sa Maguindanao, itinanggi ng BIFF

(Maguindanao/ October 23, 2014) ---Patay ang dalawang sundalo matapos pagbabarilin ng di pa nakikilalang mga suspek sa bisinidad ng isang hospital sa Brgy Limpongo, Datu Hopper, Maguindanao pasado alas 8:00 kagabi.

Sinabi ni 6th ID Philippine Army Spokesperson Ins. General Col. Dickson Hermoso na hiniling ni Integrated Provincial Hospital Office- MAguindanao Cheif Dr. Tahir Sulaik ang dalawang sundalo na bantayan ang bagong IPHO sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Hermoso habang nagbabantay ang dalawang sundalo sa labas ng hospital ay biglang may isinugod na mga pasyente at hindi nila alam na may kasama ang mga pasyente na mga armdo at agad itong pinagbabaril ang mga biktima sa labas mismo ng emergency room.

Agad namang tumakas ang apat na suspek sakay ng motorsiklo matapos ang nasabing pamamaril tangay ang isang M16 at M14 riffle  ng mga sundalo.

Ang dalawang biktima ay kasapi ng 45th Infantry Ba tallion ng Philippine Army, mula sa Isabela, Cordillera Region na nakatalaga sa Maguindanao, na itinanggi na munang pangalanan ng opisyal.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang mga responsable sa naturang pamamaril. 

Itinanggi naman ni Abu Misri Mama ang tagapagsalita ng BIFF na sila ang may kagagawan ng nasabing pagsalakay. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento