(Kabacan, Cotabato/ October 22, 2014) ---Iginiit
ngayon ng pamunuan ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon na palakasin ang grupo
ng mga magsasaka ng goma sa mga barangay kung saan nag-poproduce ang mga ito.
Ito ang sinabi ni Department of Agriculture
XII Regional Execuitive Director Amalia Jayag Datucan sa panayam sa kanya ng
DXVL News kasabay ng nakatakdang pagdating ni Secretary Alacala ngayong araw.
Aniya, iba’t-ibang hakbang na ang ginagawa
ng kanyan pamunuan upang matugunan ang bumababang presyo ng goma sa lalawigan
ng North Cotabato.
Kamakailan lamang ay nagpatawag na rin ng
pagpupulong ang opisyal sa mga rubber farmers and growers sa probinsiya kasama
na ang mga consultan mula dito sa bayan ng Kabacan.
Kabilang sa mga rekomendasyon sa nasabing
forum ay ang pagtututok sa barangay lebel kung saan bubuo ng matibay na rubber
farmer/growers association.
Maliban pa sa bubuuing grupo na magsasagawa
ng negosasyon sa mga bagong buyers na papasok upang bumili ng goma.
At ang linkages sa mga ultimate rubber
producers na tutulong sa pag-papaangat sa kalidad ng goma ng lalawigan, ayon pa
sa Director.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento