By:
Rhoderick BeƱez
(Koronadal City, SOUTH COTABATO/ October 22,
2014) ---Inaasahang darating si Department of Agriculture Secretary Proseso
Alcala sa Rehiyon 12 ngayong araw.
Ito ang sinabi ni DA XII Regional Executive
Director Amalia Jayag Datucan sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon.
Magiging panauhing pandangal ang kalihim sa
tatlong mga malalaking aktibidad ngayong araw sa iba’t-ibang mga lugar sa
Rehiyon.
Sinabi ni Datucan na dadaluhan ng opisyal
ang ground blessing ng ipapatayong gusali ng Department of Agriculture sa Brgy.
Carpenter Hill sa Koronadal city at susundan naman ng Farm Distribution ng Farm
Machineries and Post Harvest Facilities sa Tupi sa lalawigan ng South Cotabato
na nagkakahalaga ng abot sa sa P404M.
Bukod dito, ay magsasagawa din ng farmer’s
forum ang kalihim ng Kagawaran ng pagsasaka sa mga magsasaka sa Maguindanao.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Regional
Director Datucan na madalas ang pagpunta ni DA Secretary Proseso Alcala sa
Rehiyon dahil sa isa ang Region 12 sa inaasahan ng kalihim na rehiyon na
tumutulong at tumutulak ng food sufficiency.
Ito dahil sa nangunguna ang Rehiyon sa mga
lugar sa bansa na nag-poproduce ng bigas, pang-lima din ito sa bansa na may
magandang produksiyon ng palay at nangunguna sa buong Mindanao.
Sa Mais naman, pumapangalawa ang Rehiyon sa
may malaking volume na na-i-poproduce nasumusuporta sa industriya ng livestock,
dagdag pa ni Datucan.
Nagagamit na rin ang puting mais para sa
food staple sufficiency program.
Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit
seryoso ang pamahalaang nasyunal na tulungan ang Rehiyon na maiangat ang kalidad
ng pagsasaka at pamumuhay, ayon pa sa Regional Director ng DA.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento