Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang barangay sa Tulunan, ni-landslide makaraang umuga ang 4.1 Magnitude na lindol

(Tulunan, North Cotabato/ October 23, 2014) ---Niyanig ng 4.1 Magnitude na lindol ang bayan ng Columbio sa lalawigan ng Sultan Kudarat alas 10:30 kahapon ng umaga.

Batay sa report ng Phivolcs, naramdaman din ang Intensity III sa Tulunan, North Cotabato at Intensity II sa Kidapawan City.

Maging dito sabayan ng Kabacan at Carmen ay naramdaman din ang pagyanig.

May lalim na 18 kilometro ang nasabing pagyanig kungsaan tectonic ang pinagmulan.

Dahil sa nasabing pagyanig, nagkaroon ng landslide sa Brgy. Bacung sa bayan ng Tulunan at ang pagkakaroon ng bitak sa ilang mga barangay hall sa nasabing bayan, ayon sa report ni DXVL Tulunan News Correspondent Joel Dublado.

Samantala, unang naramdaman ang 4.8 magnitude na lindol sa may 26 kilometro ng timog kanluran ng Kidapawan City ganap na alas-2:53 ng madaling-araw kahapon kung saan may lalim na 006 kilometro.

Naramdaman ang lakas ng lindol sa intensity 3 sa Makilala at Tulunan, North Cotabato at intensity 2 sa Kidapawan City; M’lang, North Cotabato at Datu Paglas, Maguindanao.

Matapos nito, sinundan ng 4.2 magnitude na lindol sa may 35 kilometro timog kanluran ng Kidapawan City. Tectonic din ang origin nito at may lalim ng lupa na 019 kilometro.


Una dito, ginagawan na umano ng pag aaral ng mga eksperto mula Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Manila ang bagong nakitang Fault Line sa Makilala na patungong Sultan Kudarat, ito ayon Kay Engr. Hermes Daquipa ng Phivolcs Kidapawan sa panayam sa kanya ng DXVL News. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento