Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Public Hearing hinggil sa pagprotekta sa karapatan ng mga kabataan sa North Cotabato, isinagawa

(Kidapawan City/ October 23, 2014) ---Dalawang panukalang ordinansa ang tinalakay kahapon sa isinagawang public hearing sa isang kilalang hotel sa Kidapawan City.

Sa panayam ng DXVL News kay SP Committee on Laws chairperson Board Member Joemar Cerebo na isinalang ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato ang "Ordinance Declaring Children in Cotabato as Zone of Peace, Implementing Stringent Provisions Therefor and for
other Purposes" at "Implementing the Guidelines and Policies relating to land conflict pursuant to existing applicable laws, rules and issuance, creating therefore the inter-agency council on land disputes, defining its powers and functions and for other purposes".

Sa pangunguna ng Sangguniang Panlalawigan Committee on Laws, Rules and Privileges at Committee on Human Rights, Peace and Order, dito inisa-isa ang mga dapat gawin sa mga kabataang naapektuhan ng kaguluhan.

Sinabi ni Cerebo na Layunin nito na malikom ang iba’t-ibang mga suhestiyon at komento ng publiko hinggil sa dalawang panukalang ordinansa.

Aniya, ang Ordinance number 14-055 ay bunga ng isinagawang mga dayalogo ng mga Human Rights Advocates at government officials para maprotektahan ang kabataan sa panahon ng kaguluhan.

Taglay ng ordinansa ang mga probisyon na nagbibigay ng proteksyon sa mga kabataan at kababaihan na nakasaad din sa International Humanitarian Law.


Maliban dito, ay pinabalangkas din nila at pinag-aaralan ang konkretong solusyon sa mga nagaganap na land conflict sa probinsiya kungsaan maraming buhay na ang nalagas dahil sa pinag-aawayang lupa. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento