By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, Cotabato/ October 20, 2014)
---Inilunsad ang isang Radio Courtesy Seminar na naglalayong maturuan ng tamang
paggamit ng two-way radio ang mga radio holders sa Bayan ng Kabacan noong
Oktubre a-17 noong Biyernes.
Ayon kay Kabacan Radio Group
President Jun Magallon, inorganized umano ang nasabing seminar ng PNP Kabacan
sa Pangunguna ni Police Superintendent Jordine Maribojo.
Layon ng programang ito na maibsan
ang karahasan sa bayan sa pamamagitan ng kooperasyon ng mg mga aktibong
sibilyan katuwang ang Kabacan PNP at Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT.
Giit pa ni Magallon na ang two-way
radio ay isang napakagandang kasangkapan umano sa pag papanatili ng kaayosan sa
bayan hindi lamang ang baril.
Ang Kabacan Radio Group ay nasa
ilalim ng pamunuan ng BPAT at nasa 290 na umano na mga two-way radio ang nasa
kanilang mga kamay.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento