(Magpet, North Cotabato/ October 24, 2014) ---Abot na sa
anim na mga rebeldeng grupo ang sumuko sa pamahaalan ngayong buwang ito lamang.
Sa panayam kay Lt. Col Manuel Gatuz ng 57th IB
pinakahuli na sumuko ay ang talong mga rebelde nitong Miyerlules na ayaw namang
pangalanan ng opisyal para sa proteksiyon ng mga ito.
Ayon kay Gatuz na sumuko ang mga ito dahil sa kahirapan
sa kabundukan at sa patuloy na pagsama sa kilusan.
Sinabi umano ng tatlong sumuko na sa bawat pagsalakay na
gagawin ng kanilang grupo ay may natatanggap silang bayad.
Hindi na rin umano masikmura ng mga sumukong rebelde ang
pangongotong ng kanilang grupo sa mahihirap na magsasaka sa lalawigan.
Una dito, dito sumuko rin kamakailan ang mag-asawa sa
isang sundalo sa bayan ng Magpet dahil din sa matinding hirap at gutom na
kanilang nararanasan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento