Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Shootout: Brgy. Kapitan at Negosyante patay

Kap. Jerry Manalo, Aringay
(Kabacan, North Cotabato/ October 25, 2014) ---Bulagta ang 60-anyos na negosyante habang binawian na rin ng buhay ang isang punong barangay makaraang mag barilan (draw) ang dalawa sa bisinidad ng Quirino St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:00 kanina.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga binawian ng buhay na sina Kapitan Jerry Manalo, punong barangay ng Aringay sa nasabing bayan habang bulagta naman ang isa pa na kinilalang si Clemente Molina, 60-anyos residente ng Plang Village ng nabanggit na bayan.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, matagal ng may hidwaan ang dalawa at muli nagtalo ang dalawa hanggang sa nauwi sa pamamaril.

Sa impormasyong ipinarating ni Kapitan Mike Remulta ng Poblacion, Kabacan unang binaril ni Molina si Kapitan kaya gumanti din si Manalo ng putok.

Sa ulo tinamaan si Molina kaya patay noon din ang biktima habang sa dibdib naman ang punong barangay.

Naisugod pa si Manalo sa bahay pagamutan pero bandang alas 12:10 kanina ay binawian na rin ito ng buhay.

Inatasan na ni Mayor Herlo Guzman Jr., ang mga kapulisan na magsagawa ng masusing pagsisiyasat sa insidente.

Personal grudge ang isa sa mga sinisilip na motibo ng otoridad sa nasabing insedente. Rhoderick Beñez  


0 comments:

Mag-post ng isang Komento