Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Certified Palay Seeds, Ipinamahagi Bilang Calamity Assistance sa Pigcawayan, Aleosan at Pikit

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan city/ October 23, 2014) ---Upang matulungang makabangon muli ang mga magsasakang nasalanta ng mga nakaraang pagbaha, namahagi kamakailan (10/14-17/14) ang Provincial Government sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist ng 1,060 bags ng certified palay seeds bilang ayuda sa mga magsasaka particular sa mga bayan ng Pigcawayan, Aleosan at Pikit. 

Ang mga binhi ng palay na naipamahagi ay may katumbas na halaga na P1,272,000.00.

Malaki ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtulong sa mga magsasakang apektado ng kalamidad upang sila ay makapagtanim muli, katunayan libreng dekalidad na binhi ng palay ang ipinamigay sa kanila.

Kung susumahin ay higit sa isanlibong magsasaka ang nabahaginan ng libreng binhi ng palay.


Ang proyektong ito ay bahagi ng calamity seeds assistance program ng lalawigan ng Cotabato. DXVL News

0 comments:

Mag-post ng isang Komento