Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Unity Peace Rally, isasagawa sa bayan ng Pikit

(Pikit, Cotabato/ October 23, 2014) ---Magsasagawa ng Unity Peace Rally ang iba’t-ibang sektor sa bayan ng Pikit, Cotabato ngayong araw.

Ayon kay Pikit Mayor Muhyryn Sultan-Casi layon ng nasabing aktibidad ang panawagan na magkaroon ng hustisya sa nangyaring pagpapasabog sa UCCP Church na ikinasawi ng tatlo katao at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Magsisimula ang Unity Peace Rally alas 7:00 ngayong umaga na dadaluhan ng mga church leaders, iba’t-ibang grupo at sektor.

Bago ang Unity Peace Program ay magkakaroon muna ng Unity Peace Motorcade sa mga pangunahing lansangan sa bayan ng Pikit.

Sinabi ng alkalde na sa kabila ng kaguluhan sa bayan ay di pa rin naaapektuhan ang magandang samahan ng Kristiyano, Muslim at ng mga lumad sa kanilang bayan.


Iginiit din nito na umaapela na sila ngayon ng kaso sa suspek na responsable sa pagpapsabog na naging mungkahi nito sa katatapos na Provincial Peace and Order Council Meeting. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento