By: Roderick Rivera Bautista
Ginanap ang forum sa Midsayap, North Cotabato kung saan iba’t- ibang grupo mula sa sektor ng edukasyon, pangangalakal, at serbisyo publiko ang dumalo.
Partikular na pinag- usapan ang magiging epekto ng ASEAN economic community lalu na sa trade in goods and services sa bansa. Aminado rin ang DTI na ang smuggling ay isa sa malaking suliranin na kinakaharap ng gobyerno. Ngunit positibo ang ahensya na sa
pamamagitan ng mga kasunduan ng ASEAN ay mapababa kung hindi man matigil ang
mga kaso ng smuggling.
Samantala, ipinamahagi rin ng DTI- North Cotabato Provincial
Office ang AEC Primer upang mabasa at maintindihan ng mga dumalo ang konsepto
at kahalagahan ng pagiging isang economic community ng mga bansang sakop ng
ASEAN region.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento