(Cotabato City/ October 23, 2014) ---Dahil
sa makabagong pamamahala ng Pilipinas sa mga lokal na pamahalaan sa bansa isang
kakaibang estratahiya ang kanilang inimplementa para sa ikauunlad nito.
Sa Lanao del Norte province siyam na mga
commanders ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at mahigit isang daang
kasapi nito ang isinantabi ang kanilang mga armas kapalit ng pagsasaka.
Sa pamamagitan ng programang from arms to
farms ng Kauswagan, ng nasabing probinsya ay nagsimula nang makilahok ang mga
MILF sa socio economic activities sa lugar kung saan may 79 na porsyento sa
populasyon ng lugar ay mahihirap noong 2009.
Nabatid na matapos ang dalawang taong tuloy tuloy
na pakikipag-ugnayan ng MILF sa mga gawain sa kumunidad ay nalimutan na nila
ang kanilang mga armas at ibinaling ang atensyon sa pagtatanim ng mga gulay,
pag aalaga ng mga hayop at isda kung saan suportado naman ng lokal na
pamahalaan ng Kauswagan.
Ang patuloy na pagdami ng magsasakang dating
rebelde ay nakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng lugar at bumaba ang bilang ng porsyento ng mga
mahihirap na mula sa 79 percent, ay nasa 47.3 na lamang ang bilang nito noong
2013.
Samantala sa Tagum City at Davao del Norte
naman may ilang mga kalye ang dating mabaho at puno ng basura na ngayoy abot sa
mahigit tatlong daang mga vendors na ang kumikita matapos inorganisa ng LGUS
ang isang night market sa lugar.
Nabatid na ang mga residente rin ng Quezon
province ngayon, ay sagana na sa mga aning mga alimango, isda ibat ibang
pagkaing dagat dahil na rin sa kanilang malawakang mangrove replanting na isang
inisyatiba ng kanilang lokal na pamahalaan na nakatulong na manumbalik ang
tirahan ng mga isda sa lugar.
Ang naturang mga programa na inimplimenta ng
gobyerno kasama ang mga LGU's, government and private sectors ay kabilang sa
sampung mga tatanggap ng Galing Pook Awards, na ipapakilala na bilang isang
pinakamahusay na pamamahala ng LGU sa Pilipinas.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento