Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P8 na fare hike, umarangkada na sa Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ October 21, 2014) ---Mangilan ngilan ng mga tricycle at tricycab drivers ang nagsimulang maningil ng P8 na regular na pamasahe sa Bayan ng Kabacan.

Ito ayon kay Vice President ng Kabacan Unity Line Tricycle Operators and Drivers Association o KULTODA Henry Ruiz Sr. sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan.


Nong nakaraang linggo pa umano nagsimula nang kumuha ng taripa ang mga tricycle at sikad drivers sa munisipyo at marami rami na ring nakakuha na at naniningil na ng P8 na regular na pamasahe sa mga pasahero nila ngunit hindi naman daw sila naniningil kung wala pa silang nakukuhang tarrifa.

Paalala naman si Ruiz sa mga riding public na hindi naman sila obligadong magbayad ng P8 kung wala pa silang nakikitang tariffa sa mga nasasakyan nilang tricycle at trisikad.

Hindi din daw sana magdulot ng away mula sa mga pasaherong estudyante, senior citizens at PWD’s at mga tricycle at trysicab drivers ditto sa Kabacan ang pagtaas ng singil nila mula sa P6 ngayon ay P6.40.

Sa panahon daw ngayon ay mahirap nang makahanap ng 60 na sintabong isusukli nila sa kanilang pasahero at sana kunsiderahin nalang nilang gawin ng P7 ang kanilang pamasahe.

Pero iginiit ng KULTODA Vice president na tatanggap naman sila ng P6.40 na pamasahe kung meroon mang magbibigay.


Malaking tulong din umano ang pagtaas ng pamasahe sa kanilang mga tricycle at trisikad drivers.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento