By: Sarah Jane Corpuz
Guerrero
(Kabacan, Cotabato/ October 23, 2014) ---Sa isinagawang regular na
pagpupulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council kanina,
October 22, 2014 sa conference hall ng Munisipyo inihayag ng PNP Representative
na si Police Senior Andres Sumugat, Jr, deputy for Operations ng PNP Kabacan
ang pagrerekomenda ng Municipal Disaster Council sa Sangguniang Bayan sa
pagpapasa ng ordinansa hinggil sa pagkakaroon ng Speed Limit sa National
Highway ng Kabacan ito ay upang mabawasan ang mga vehicular accidents sa
nasabing daanan.
Base kase sa obserbasyon ng PNP Kabacan at Traffic Management
Unit, karamihan ng mga aksidente dito sa bayan ay nasa National Highway.
Dagdag
sa nasabing rekomendasyon ay ang paglalagay din ng ibat-ibang traffic signs na
ilalagay sa major roads ng Kabacan upang magabayan naman at mapalakas pa ang
seguridad ng mga drivers at mga motorista.
Ang nasabing rekomendasyon ay
sinupurtahan naman ng mga miyembro ng nasabing konseho sa pamamagitan ng
pagbibigay ng Resolution sa Sangguniang Bayan ng Kabacan para sa agarang
paggawa at pagpasa ng ordinansa hinggil sa pagkakaroon ng Speed Limit sa bayan
ng Kabacan.
Dagdag pa din sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Council ay ang pagsagawa ng clearing operation along the Highway na kung saan okupado na ito ng ibat-ibang mga vendors at business activities.
Dagdag pa din sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Council ay ang pagsagawa ng clearing operation along the Highway na kung saan okupado na ito ng ibat-ibang mga vendors at business activities.
Ayon pa kay Doctor Sofronio Edu, magiging parte ng ordinansa ay ang pagpapalakas ng Information, Education and Campaign activities upang pataasin ang kaalaman ng mga drivers at ang ideya na hindi lamang national highway ang pupwedeng daanan ng mga drivers
at may iba pang roads na pwedeng gamitin upang madecongest o mabawasan ang
bigat ng trapiko particular na sa National Highway tuwing heavy hours.
Ang nasabing panula ng Municipal Disaster Council ay isang stratehiya para na rin sa pagpapalakas pa ng Peace and Order sa bayan. Ito din ay dadaan pa sa mas masusing pag-aaral ng PNP, LGU-TMU Kabacan at SB.

0 comments:
Mag-post ng isang Komento