Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BREAKING NEWS: 4.1 Magnitude na lindol; yumanig sa Columbio, Sultan Kudarat

(Kabacan, Cotabato/ October 22, 2014) ---Niyanig ng 4.1 Magnitude na lindol ang bayan ng columbio sa lalawigan ng Sultan Kudarat alas 10:30 ngayong umaga lamang.

Batay sa report ng Phivolcs, naramdaman din ang Intensity III sa Tulunan, North Cotabato at Intensity II sa Kidapawan City.

Maging sa bayan ng Kabacan at Carmen ay naramdaman din ang pagyanig.

May lalim na 18 kilometro ang nasabing pagyanig kungsaan ang lokasyon nito ay 06.73°N, 124.94°E - 008 km S 4° W of Columbio (Sultan Kudarat).

Wala namang inaasahang pinsala sa nasabing pagyanig.

Una dito, ginagawan na umano ng pag aaral ng mga eksperto mula Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS sa Manila ang bagong nakitang Fault Line sa Makilala na patungong Sultan Kudarat, ito ayon Kay Engr. Hermes Daquipa ng Phivolcs Kidapawan sa panayam sa kanya ng DXVL News. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento