By: Roderick Rivera
Bautista
(Midsayap, Cotabato/ October 21, 2014) ---Abot sa 85 mga benepisyaryo ang nagtapos sa pagsasanay sa Slaughtering Operations na bahagi ng programa ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.
Ginanap ang commencement exercises sa Municipal Rooftop sa bayan ng M’lang, North Cotabato kamakailan.
Sinabi ni TESDA North Cotabato Provincial Director Florante Herrera na nagagalak sila sa matagumpay na pagtatapos ng mga iskolar.
Hinikayat din ni Herrera ang mga graduates na gamitin ang mga natutunan sa slaughtering operations upang kumita at makatulong sa pag- angat ng kanilang kabuhayan.
Sa kasalukuyan ay nakikipagtulungan ang TESDA North Cotabato sa D’ New Orleans Training Center at lokal na pamahaaan ng M’lang sa pagpapatupad ng Slaughtering Operations NC II dito sa lalawigan.
Ipinapaabot din ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan ang pagbati nito sa mga benepisyaryo ng programa lalung- lalo na sa labindalawang graduates na nagmula sa Distito Uno.
Ayon sa opisyal, sinisikap ng kanyang pamunuan na maipagpatuloy ang pagsuporta sa programa upang madagdagan ang kaalaman at maitaas ang dignidad ng butchering o slaughtering industry sa lalawigan ng North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento