Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa patay, 4 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo sa M’lang

DEAD on arrival sa ospital ang isang Richard Patanindagat ng Barangay Buayan, M’lang matapos ma-aksidente sa may highway ng M’lang, alas-645 ng gabi, noong Lunes.
       
Sugatan rin ang dalawa nito’ng mga anak na sina Rich May at Richard, 4 years old.
       
Sa dalawa, kritikal ang kondisyon ni Rich May at ginagamot sa isang ospital sa M’lang.
       
Sugatan din ang driver ng kasalpukan nito’ng motorsiklo na kinilalang si Gorgonio Alicante na taga-Poblacion, Tulunan at angkas nito’ng pasahero na si Eric Umambat na taga-Inas, M’lang.
       
Ayon sa report, binabaybay kapwa ng mga motorsiklo ang highway ng M’lang nang magkasalpukan sila sa gitna ng daan.
       
Dahil sa tindi ng impact ng banggaan, lahat ng mga sakay ng sasakyan tumilapon sa kalsada.   Ang driver na si Patanindagat nagtamo ng matinding sugat sa ulo na naging dahilan ng agaran nito’ng kamatayan.
       
Nabatid sa report na walang mga protective gears ang mga driver at mga pasahero ng naturang mga sasakyan.
       
Ito ang ikatlong insidente ng salpukan ng mga motorsiklo sa North Cotabato, simula noong nakaraang linggo.
       
Abot sa tatlo na ang nasawi sa naturang salpukan at lima ang sugatan.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento