DXVL Staff
...
Martes, Abril 12, 2011
No comments
Problema sa kanal at pag-apaw ng tubig sa Sinamar 1, Poblacion ; muli na namang nirereklamo
Matapos bumuhos ang malakas na ulan kagabi muli na namang binaha ang bahagi ng Sinamar 1, Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Kung maalala, ilang beses ng nirereklamo ang lugar dahil sa di maayos na daloy ng tubig lalo pa’t kapag bumubuhos ang malakas na ulan tiyak na aapaw sa mga pamamahay na nasa Sinamar 1 ang tubig na nagdudulot ng mga pagbaha.
Kaugnay nito, agad naman naming idinulog ang nasabing problema kay Kabacan Mayor George Tan, ayon sa alkalde ang nasabing erya ay sakop umano ng pamamahala ng barangay.
Kaya inilapit naman namin ito kay Brgy. Poblacion Kapitan Herlo Guzman, Ayon sa kapitan aminado ito na babahain ang Sinamar 1 dahil nga sa mababa ang nasabing lugar.
Una rito, panawagan rin ng opisyal sa mga residente na makipagtulungan sa kanila at wag lang basta-bastang magtapon ng basura sa kanal na naging sanhi ng pagbara ng kanal at naging dahilan ng pagbaha.
Obligasyon din ng bawat isa ang kalinisan sa paligid at wag lang lahat i-asa sa gobyerno.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento