Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mindanao food highway, prayoridad ng MinDA

Isinusulong ng Mindanao Development Authority (MinDA) ang pagtatapos ng pinakamalaking kalsada na mag-uugnay sa Timog at Hilagang Mindanao. Ito rin ay inaasahang makakatulong sa pagbabawas ng matinding daloy ng trapiko at magbubukas ng daan para sa itinuturing na “Mindanao food highway.”

Sa pinakahuling pagpupulong, hiniling ng MinDA board kay Pangulong Benigno Aquino III, ang pagtugon sa pagtatapos ng bahagi ng Mindanao food highway, ang Kapalong-Talaingod-Valencia Road.

Ang kalsada ay may habang 128.16 kilometro at nangangailangan ng pondong =P=3.64 bilyon. Sinimulan na ito noon pang taong 2007, subalit dahil sa kakulangan ng pondo, ito ay hindi natapos.

Batay sa pinakahuling ulat na tinukoy ng MinDA, karagdagang =P=2.29 bilyon ang kinakailangan para sa pagtatapos ng pagse-semento at iba pang “ancillary works” ng kahabaan ng buong proyekto.

Ang Kapalong-Talaingod-Valencia road ay isinumite ng maging national road subalit ito ay hindi nabigyan ng pondo sa 2011 General Appropriations Act.

Ayon kay MinDA chair secretary Luwalhati Antonino, kung matatapos ang kalsadang ito, magiging mabilis ang paggalaw ng mga paninda at ang mga presyo ng mga produkto ay bababa. Ito rin umano ay makakatulong sa pagpasok ng mga turista mula sa Cebu at Bohol sa ilang bahagi ng Mindanao. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento