DXVL Staff
...
Linggo, Abril 10, 2011
No comments
Kabacan PNP nasa Red alert status matapos ang sunod-sunod na panghohold-up sa bayan
Agad na itinaas na red alert status ang pamunuan ng Kabacan PNP matapos ang sunod-sunod na insedente ng panghohold-up sa Kabacan, Cotabato.
Ito ang inihayag kahapon ni Kabacan chief of Police P/Supt. Joseph Semillano kungsaan mas pinaigting ngayon ang kanilang hot pursuit operation at patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang istilo at kung anu ang grupo ang umano’y responsable sa naganap na panghohold-up sa bayan.
Napag-alaman na alas 3:55 noong Huwebes ng hapon hinold-up ng limang mga armadong kalalakihan ang isang air conditioned Weena Bus na may plate number MVU 540 at may body number ERIC-VIII na minamaneho ni Enrico Cabasag, 43, may asawa at residente ng Anacleto Budoy St., Pob. 4, Cotabato City.
Ayon sa report nagdeklara ng hold-up ang limang mga suspek na kabilang sa pasahero ng bus habang binabaybay nila ang National Highway ng Barangay Osias ng bayang ito patungong Matalam. Tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek ang driver para pahinaan ang takbo ng bus.
Lulan ng bus ang mahigit kumulang sa 30 mga pasahero kung saan kinulimbat ng mga salarin mula sa kanila ang di pa natukoy na halaga ng pera at mga alahas at ilan pang mga personal belongings ng mga pasahero.
Bumababa ang mga suspek sa barangay Katidtuan at nakaabang na ang dalawang motorsiklo bilang get away vehicle.
Ayon sa isang naka-saksi inilarawan nito ang isa sa mga motorsiklo na kanyang nakita na isang Honda TMX 155, kulay pula at may plate number 1780.
Samantala, dakong alas 12:10 ng tanghali nitong Biyernes, hinold-up rin ng dalawang di pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang isang store na pag-mamay-ari ni Flordaliza Jusa, 38, may asawa at residente ng Brgy. Osias ng bayang ito.
Naganap ang pang-hohold-up sa loob ng Kabacan Public Market partikular sa Corner Jacinto St. at Mapanao St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.
Tinutukan ng .45 na baril ng mga suspek ang tatlong mga helpers na sina: Rielmar Buno, 17, residente ng Mapanao St. Poblacion, Kabacan, Ian Gatoan, 18; Mac-mac Lindoan, 17 kapwa residente ng Bintangan, Carmen, Cotabato para di pumalag.
Nakuha ng mga holdaper ang perang nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa P20,000.00 maliban pa sa isang unit ng N70 reloading cellphone with load content na abot sa P40,000.00. Nakuha rin ang isang unit na N73 cellphone, 2 units ng cellphone reloader na di natukoy kung magkano ang halaga.
Sa iba pang mga kaganapan, hindi umano totoo ang nangyaring hold-up sa Wei hong enterprises na nasa National Highway.
Batay sa report ng Kabacan PNP, isa lamang itong false alarm.(RB)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento