Alkalde ng Midsayap; nanguna sa pagbisita sa mga residenteng naospital sa bayan kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-49 na taong kaarawan ni Midsayap MayorManuel Rabara kamakalawa ay kanyang binisita ang mga may sakit na nakaratay sa mga ospital sa bayan ng midsayap.
Tinungo ng punong ehekutibo ang mga ospital na may dalang pagkain na siyang tanging pasalubong sa mga pasyente tulad ng prutas, tinapay gatas at iba pang mga kailinganin ng mga ito.
Ayon sa opisyal, ang nasabing Gawain ay bilang bahagi ng kanyang programang pangkalusugan na alay sa mga mahihirap na mga kababayan.
Ito din umano ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita sa mga pagamutan ang alkalde ng bayan upang bigyang moral support at titingnan ang mga kalagayan ng mga pasyente.
Samantala umabot naman sa 20 kambing 6 na baboy at limang libong mga fingerlings ang ipinamahagi ng municipal agricultural office ng Midsayap para sa mga kasapi ng farmers association sa bawat barangay ng nabanggit na bayan upang papalaguin.
Giit pa ng opisyal na ang nasabing programa ay bilang tulong sa mga magsasaka na kapag dumami na at manganganak ay dapat ibibigay o ibabahagi naman sa ilanpang miyembrong asosasyon.
Lubos naman ang ipinaabot na pasasalamat ng mga residente sa lugar dahilsa nasabing inisyatibo ng local chief executive. (RB)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento