BFP-Kabacan mahigpit pa ring pina-iingat ang publiko
Kahit pa man walang may naitalang sunog sa bayan dahil sa epektibong fire prevention ng pamunuan ng Bureau of fire Protection hinggil sa selebrasyon ng fire Prevention Month ngayong buwan.
Pinaalalahanan pa rin ni Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ang publiko na mag-ingat lalo sa pag gamit ng mga faulty wirings at sa pag-iwas na rin ng mga octupos connection na karaniwang sanhi ng sunog sa mga pamamahay.
Kaugnay nito nagpapatuloy naman ngayon ang partisipasyon ng BFP sa training ng mga opisyal ng barangay na pinangungunahan ni DILG Officer Jasmin Musaid.
Samantala, naitala noong sabado ng madaling araw ang unang sunog sa lungsod ng cotabato…Dakong alas singko ng umaga ng masunog ang isang shanties sa bahagi ng almonte extension sa mother barangay poblacion ng siyudad.
Dahil sa pagtutulungan ng mga kapitbahay na nagbayanihan na nagsama-sama sa pag-apula ng apoy dahilan upang hindi na ito kumalat pa..dumating din sa lugar ang mga kagawad ng pamatay apoy ng cotabato city at Filipino Chinese volunteer fire brigade ngunit agad namag naapula ang apoy.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento