Petition signing ng Kidapawan LGU na kumukuwestyun sa desisyon ng Supreme Court patungkol sa pagiging lungsod ng 16 na bayan nais gayahin ng ilang miyembro ng League of Cities of the Philippines
NAGSILBING model ng marami pang mga miyembro ng League of Cities of the Philippines o LCPs ang ginawa ng Kidapawan City LGU sa pangangalap nila ng mga pirma para mas lumakas ang petisyon nila sa Supreme Court na kumukuwestyun sa desisyon nito na maging lungsod ang 16 na mga bayan.
Sa ngayon, halos kumpleto na ang tatlong libong lagda ng mga opisyal ng barangay at mga residente ng lungsod na humihiling sa korte na i-rekonsidera nito ang kanilang naging desisyon patungkol sa kaso.
Sinabi ni City Mayor Rodolfo Gantuangco na ang mga pumirma sa petisyon ay mga residente na direktang maaapektuhan sa malaking kabawasan ng internal revenue allotment o IRA ng lungsod dahil nadagdagan ang mga lungsod sa buong bansa.
Tinaya ni Gantuangco sa mula P40 hanggang P50 million ang IRA cut dahil sa naging desisyon ng SC.
Apektado sa IRA cut ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa kalusugan, edukasyon, imprastraktura, at iba pang mahahalagang proyekto.
NOON pang March 14 sinimulan ng Kidapawan City LGU ang pangangalap ng pirma nang gawin nila ang ‘Day of Prayer and Protest’ sa may city plaza.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento