DXVL Staff
...
Mga stalls ng fireworks sa highway sa Kidapawan City ni-raid ng mga pulis
Miyerkules, Disyembre 28, 2011
No comments
(Kidapawan city/December 29, 2011) --- DALAWANG drum ng mga paputok ang nakumpiska ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP sa ginawa nila’ng saturation drive sa nakumpiskang paputok mula sa mga fireworks vendor na nagtitinda sa may sidewalk ng lungsod, alas-1030 ng umaga, kahapon.
Karamihan sa mga kinumpiska mga pla-pla, triangle, kuwitis, pop-pop, Judas belt, piccolo, at iba pang mga malalakas na paputok.
Nagulantang ang mga vendors sa pagdating ng abot sa 20 mga pulis ng Kidapawan City PNP kaya’t wala sila’ng pagkakataon na itago ang mga ibinibentang paputok.
Batid kasi nila na ang pinapayagan lang ng city government na ibenta nila sa sidewalk ay mga fireworks tulad ng Roman candles, sparklers, fountains, rockets, at smoke bombs.
NAKARATING sa kaalaman ng Kidapawan City LGU na marami sa mga pinayagan nilang fireworks vendors ang nagtitinda ng ilegal na mga paputok kaya’t inatasan ng executive department ang lokal na PNP na gawin ang raid.
Nanguna sa raid si Inspector Rolando Dillera, ang hepe ng anti-vice and intelligence division ng Kidapawan City PNP.
Ang mga nakumpiskang paputok ay agad na inilublob ng mga pulis sa drum na puno ng tubig para ‘di na ito makapakinabangan pa ng kahit na sino.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento