Nagresulta sa pagkasira ng fire at fuel tank ng Pajero na pag-aari na sasakyan ng USM makaraang pasabugan ang motorpool sa USM Transport na nasa USM compound alas 10:25 kagabi.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng Kabacan PNP, gamit umano ng mga salarin sa pagpapasabog ang M79 batay sa mga ebedensiya at debris na narekober sa crime scene.
Sa likod umano ng motorpool galing ang putok na tumama sa sementadong sahig ng motorpool na siya namang parkingan ng mga sasakyan ng USM.
Sa report, habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad, isa ring malakas na pagsabog ang narinig kagabi na kasinlakas din ng M79 ang pinaputok sa di malamang direksiyon.
Wala namang may naitalang casualties subalit nasira naman ang isang sasakyan ng USM.
Agad namang rumisponde ang mga elemento ng 7th IB, Philippine Army para magsagawa ng clearing operation sa mga suspetsado subalit bigo po silang mahuli ang mga salarin.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento